Mga Ganting Galaw sa Teoryang Pampanitikan
Teoryang Imahismo
"Ang Riles sa tiyan ni
tatay"
Ni: Eugene Y. Evasco
Natutunan:
*
Ang pagmamahal ng isang ama ay hindi napapantayan.
* Ang natutunan ko sa kuwento ay dapat na ipakita natin ang pagpapahalaga
lalo na sa mga taong nagbigay buhay sa atin kagaya ng mga magulang natin na
handang isugal at ibigay lahat makamit lamang ang kaginhawaan ng kanyang
pamilya. Napakaswerte natin kung iisipin lalo na ‘yong mga nakapag-aral sa
kolehiyo dahil may mga magulang tayong handang iraos ang lahat ng ating mga
pangangailangan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng marangal na hanap-buhay.
Reaction sa Kwento atTeorya:
Kabilib-bilib
ang ama sa aklat na “Ang Riles sa Tiyan ni Tatay” na isinulat ni Eugene Y.
Evasco. Ipinakita ng may-akda na ang pagbebenta ng bato ay isang imahen ng isang
damdamin, na kahit ano, kayang gawin upang maitawid sa hikahos ang hirap na hirap
nang pamilya. Ginamit niya ang balat na ito upang ipakita sa mga mambabasa ang imahe
ng pagkamatiisin ng isang Pilipinong ama sa Pamilya. Ang layunin ng Teoryang Imahismo
ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan,
ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan
at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng
pahayag sa loob ng panitikan. Sa kwentong ito Itinatahi ang talinghagang
‘riles’ ang papel ng ama bilang tagapagbuo ng lipunan at tagapagdugtong ng
buhay. Matalinong ginamit sa akda ang ‘riles’ upang salaminin ang dalawang
aspekto ng buhay ng ama – una, bilang tahi sa tiyan na nagdurugtong ng ‘buhay’
at, pangalawa, bilang estrakturang nagpapatakbo at nagpapagalaw ng siyudad. Ang
‘riles’ din ang ginamit na mekanismo ni Evasco sa pag-uugnay sa kadakilaan ng
ama sa haraya ng anak. Naging lunsaran ang ‘riles’ sa tiyan ng ama ng
napakayamang imahinasyon ng batang nagsasalayasay.
Teoryang Markismo
"Sandaang Damit"
Ni: Fanny A. Garcia
Natutunan:
*
Huwag mag sinungaling sa mga tao upang ipakita lamang sa kanila na may mga
gamit o bagay kang ganyan Kahit wala naman.
*
Maging totoo sa sarili at sa Ibang tao.
*
Huwag natin pagtakpan ang buhay upang maiangat sa paningin ng Ibang tao.
*
Maging kontento kung anong meron.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang
nagsinungaling. Di tulad sa ibang kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging
naghihiganti at gumagawa ng mga bagay na masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay
naman ito ng maayos at mahusay, madali itong makakuha ng pansin ng mga mmambabasa.
Ang layunin ng Teoryang Markismo ay ipakita na ang tao o sumaagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. At gaya ng
sa kwento, gumawa ng paraan ang batang babae ng paraan upang maiwasan ang
panunukso sa kanya ng kanyang mga kaklase. Siya ay nagsinungaling sa kanyang
mga kaklase upang hindi na siya tuksuhin ng mga ito. Kahit na masama ang kanyang
pamamaraan, nagtagumpay naman siyang makuha ang respeto at tiwala ng kanyang
mga ka-eskwela.
Teoryang Bayograpikal
"Mga ala-ala ng isang
mag-aaral sa Maynila"
Ni: P.Jacinto
Natutunan:
*Marami tayong natutunan sa
kuwento o buhay ng ating mga bayani, kagaya ni Jose P. Rizal. Bigyan nating
pansin kung paano siya lumugar sa kanyang tunay na nararamdaman kay Segunda
Katigbak, at dahil sa ikakasal na ito’y siya na lamang ang nagpaparaya. Sa
puntong ito, makikita natin na mahalaga pa rin para kay Dr. Rizal ang kanyang
pagkatao. Dahil kung hindi pa mahalaga ay dapat hindi na niya inisip ang
iisipin ng iba makuha lamang ang babaeng kanyang iniirog. Mas mabuti pa rin na
kung tayo ay iibig, dapat iisipin nating mabuti ang mga desisyon na ating
gagawin bago humakbang sapagkat hindi magiging buo ang kaligayahang makakamtan
kung mayroon naman tayong sinasaktan dahil sa pag-ibig na iyan.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Ang akdang ito ni Dr. Jose P.
Rizal ay tungkol sa kanyang naging buhay sa panahon noong siya ay nag-aaral pa
lamang sa lungsod ng Maynila. Inilathala rin niya ang kanyang naging unang
pag-ibig at ang mga pasakit na kanyang nadarama sa panahong siya’y umibig. Mga
naging kaisipan niya at damdamin noong siya’y nag-aaral sa Maynila. Masasabi
kong naging angkop naman ang talambuhay ni Rizal sa teoryang Bayograpikal
sapagkat base sa teoryang ito, layuni nitong iparating ang mga naging karanasan
sa buhay ng may-akda. Ang talambuhay na iyan ay hango naman sa istorya ng
may-akda mismo na si Dr. Jose Rizal.
Teoryang Naturalismo
"Walang Panginoon"
Ni: Deogracias Rosario
Natutunan:
* Dapat pantay-pantay ang pananaw
ng bawat isa mahirap man o mayaman.
* Huwag hayaang tapakan ng iba
ang ating pagkatao.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Ang kuwentong ito ay di
nalalayo sa kinalalaglakan ng ating bansa sa panahon ngayon. Bagama’t
nagsisitaasan na ang bantayog nitong mga may kaya, hindi pa rin sila kuntento.
Kinakapkapan pa rin ang butas na bulsa ng mga mahihirap at pinangangahasan ang
mga maralita hanggang sila’y mailubog.Ngunit marapat tandaan na bawat panimula
ay may katapusan at di mananaig ang kasamaan sa kabutihan. Maaring ang
pagkamatay ni Don Teong ay makatarunan pagkat kahit sinong may paghuhusgang
pantay at makatarungan, bukas palad at naaayon sa tunay na hatol, ang kamatayan
ay di pa sapat para sa taong tulad niya.Ating itanim sa isipan ang salitang
binitawan ng ating pambansang bayani, “walang alipin kung walang
magpapa-alipin”. Ang Teoryang Naturalismo ay Nagpapakita na kahit simpleng tao
ay dumadaan rin sa mahirap na suliraning panlipunan. Ang akdang literari sa
teoryang ito ay naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig na higit na maganda
ang marumi at karumal-dumal na pangyayari. Nabibigyang pansin din sa teoryang
ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.
Teoryang
Romatisismo
"Sayang
na Sayang"
Ni:
Epifanio Gar Matute
Natutunan:
* Mahalaga ang pagpapahalaga sa
damdamin at nararamdaman ng iba.
* Ang paghihinayang ay nasa hulihan.
* Naipapahayag ang sariling
saloobin batay sa mga pangyayaring napapaloob sa akda.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Sa kwentong ito maraming
mag-aaral ang naantig ang damdamin dahil alama naman sa panahon ngayun kapag
ang pinag uusapan ay tungkol sa pag-ibig ay ang mga kabataan ay nakakarelate. Ito ay isang kunwento ng naudlot na
pag-iibigan. Na kung saan hindi naging maganda ang “ending” dahil hindi pa rin
sila nagkatuluyan at napagdesisyonan ng lalaki na hindi na lamang mag-asawa
dahil hindi niya kayang ipagpalit ang kanyang pagmamahal sa isang babaeng
sinisinta. Naging akma naman ang kuwento sa teoryang ito sapagkat naging
layunin ng teorya na ialay o ipaalam ang kanyang buong pag-ibig sa tao o bayang
napupusuan na kung saan ganoon rin naman ang nangyayari sa daloy ng kuwento.
Teoryang Arkitaypal
"Gapo"
Ni: Lualhati Bautista
Natutunan:
* Ito ay nagpapakita ng mga
totoong pangyayari tungkol sa sitwasyon ng mga banyaga at kapwa natin Pilipino
tungkol sa pag-iibigan ng dalawang lahi na kung saan merong magandang kinahahantungan
at kadalasang hindi maganda dahil sa pag-iwan ng mga banyaga sa mga Pilipinang napaanakan.
* Hindi dapat tayo mag-papaapi
sa sino man ma banyaga man o kapwa natin Pilipino, mayaman man o hindi dahil tanong
lahat ay pantay-pantay lamang at its a at tanging ang diyos lamang ay may karapatang
gumawa sa atin ng ganyan dahil siya ang may likha sa ating lahat.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Napakagandang kwento ang
"Gapo" dahil pinapakita nito ang tunay na karanasan ng ating Ibang
mga Pilipinang naging biktima ng mga dayuhan at pinapakita din ang realidad noong
mga panahon ng mga dayuhan, Ang pag hindi pantay-pantay na pananaw ng mga puting
mga Americanong sundalo sa ating mga Pilipinong sundalo. Ang Teoryang
Arkitaypal ay gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang elemento ng akda.
At binibigyang diin nito ang tatlong uri; arkitipikong tauhan, arkitipikong
pangyayari at arkitipikong simbolo at kaugnayan. Sa Nobelang inilahad
binibigayn diin ang arkitipikong tauhan na kung saan ang mga indibidwal na mga tauhan
ang mga sundalong puti at mga pilipino at sa pangyayari naman ay ang mga
karanasan ng mga Pilipinong sundalo na ang diskriminasyon sa pagitan ng mga
sundalong puti na ang mga amerikano. Ang salitang "Gapo" Ang sumisimbolo
sa pagtalakay sa mga problemang nababalot sa mga base military ng mga Amerikano
dito sa Pilipinas.
Teoryang Humanismo
"Paalam sa Pagkabata"
Ni: Nazareno D. Bas
Natutunan:
* Pagpapahalaga sa pagiging
kabataan dahil magaganap lamang ito sa isang beses.
* Huwag mong gawin ang isang
bagay na pagsisihan mo lamang sa huli.
* Ang totoong pagmamahal ay binubuo ng pagpapatawad
at pag-unawa.
* Huwag magtanim ng galit
kahit makasalanan man ang isang tao may pag asa pa. itong magbago bastat laging gabayan at ituro
kung anu ang tama at mali ang mga dapat o hindi dapat, lahat ng tao ay may
konsensya hindi man nito maramdaman bukas mararamdaman niya ito habang siyay
nabubuhay kaya may pag asa itong magbago
Reaction sa Kwento at Teorya:
Ang kuwentong ito ay istorya ng
isang mag-anak o pamilya na mayroong malaking problema o pinagdadaanan sa
buhay. Dahil sa hindi pinaliwanag ng isang Ina ang kanyang nagawang kamalian
noon, ang malaking naapektuhan ay ang kanilang anak na sana kung iisiping
mabuti ay hindi dapat siya yung naghihirap ang kalooban. Marami akong naging
katanungan sa kuwentong ito, kagaya halimbawa ng paano nagkapareho ng mukha ang
ama ng bata at ang misteryosong lalaki sa kuwento? Sila ba ay kambal? Ni minsan
ba ay wala bang nakapagsabi sa bata kung ano ang talagang naging problema ng kanilang
pamilya? Masasabi kong naging angkop naman ang kuwento sa teorya dahil
binigyan naman ng halaga ng kanyang ama-amahan ang damdamin ni Celso sa
katapusang bahagi ng kuwento.
Teoryang Ekspresyonismo
"Caregiver"
Ni: Chito S. Roño
Natutunan:
* Mayroong naipakitang mga
sitwasyon para sa nangyayari sa totoong buhay ka tulad nalang ng mga nangyayari
sa mga OFW.
* Dapat bigyang halaga ang mga OFW na nangingibang
bansa dahil hindi natin nararanasan at nararamdaman kung gaano kahirap ang kanilang
nararamdaman.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Sa pelikulang ito na pinamagatang
"Caregiver" ay madadala at
maiiyak ang mga manonood sa awa para sa isang ina na kung saan nagsasakripisyo
at nagpakahirap upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya. Alam naman
natin ang buhay ng OFW ay hindi birong trabho at sakripisyo ang kanilang ginagawa.
Bilib ako sa mga OFW na Caregiver dahil ang mga Caregiver ay napakaraming
sakripisyong pinagdaraanan ang mga nakikipagsapalaran sa ibang bansa kapalit ng
pangakong higit na magandang buhay. Hindi nga lahat ng umaalis at
nangingibang-bayan ay nagiging matagumpay. Hindi lahat ng pangarap ay natutupad
at nasasagot ng paga-abroad. Sa katunayan, karamihan sa mga tunay na problema
ay hindi nag-uugat sa pera kundi sa kaibuturan ng pagkatao na nananatili saan
mang lugar mapunta, kumita man ng malaking halaga. Sa teoryang Ekspresyonismo
ay sa pananalig na ito ay walng pagkabahala ipinahahayag ng manunulat ang
kanyang kaisipan at nadarama. Karaniwang ang ideya kapag narinig ang salitang
caregiver ay patungkol sa isang yaya, alila, katulong, tsimay o sa
pinakamababang antas ay tagahugas nga lamang ng puwit ng pasyente. Ngunit sa
pelikulang Caregiver, mabubuksan ang nakapikit at nahihimbing na kaisipan na
maling iyon lamang ang papel na ginagampanan ng isang tagapag-alaga. Tulad sa
pelikula na nagsisilbing isang repleksyon na sumasalamin sa lahat ng uri ng
tungkuling ginagampanan ng libo-libong OFW.
Teoryang Feminismo
"Nanay Masang sa
Calabarzon"
Ni: Sol Juvida
Natutunan:
* Hindi hadlang ang pagka
babae dahil ang mga babae ay may kakayahan din at kapangyarihan na makipaglaban.
* Ipaglaban kung ano ang
dapat Ipaglaban at kung ito ay tama.
* Ipaglaban ang sariling atin
* Sa panahon ng makabagong henerasyon, mga
babae na ang tinitingala kadalasan sa larangan ng Industriya at pang-ekonomiya.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Napakaganda ng kwentong ito
dahil pinapakita na kahit isang nga babae ay hindi ito hadlang upang hindi makipaglaban.
Sa kwentong ito makikita at malalaman mo talaga sa daloy ng kuwento na ang mga
babaeng manggagawa ang siyang namuno at nakipaglaban upang huwag malupig ng mga
manlulupig na mga panginoong lupa. Nandoon ang katatagan ng loob at palaban sa
kahit na sinong tumangkang magpalayas sa lugar na kinagisnan na ng mga
taga-roon. Masasabi kong naging angkop naman ang kuwentong ginamit sa teoryang
ito sapagkat ayon sa natalakay na, ang layunin ng teoryang ito ay ilantad ang
iba’t-ibang paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap.
Teoryang Formalistiko
"Sandaang Damit"
Ni: Fanny A. Garcia
Natutunan:
*
Huwag mag sinungaling sa mga tao upang ipakita lamang sa kanila na may mga gamit
o bagay kang ganyan Kahit wala naman.
*
Maging totoo sa sarili at sa Ibang tao.
*
Huwag natin pagtakpan ang buhay upang maiangat sa paningin ng Ibang tao.
*
Maging kontento kung anong meron.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Kakaiba ang maikling kwentong ito dahil bata ang nagsinungaling. Di tulad
sa ibang kwento na karaniwan ay matatanda ang palaging naghihiganti at gumagawa
ng mga bagay na masama. Simple lamang ang kwento pero naisalaysay naman ito ng maayos
at mahusay, madali itong makakuha ng pansin ng mga mmambabasa. Ang teoryang ginamit
dito ay Teoryang Pormalistiko na ang layunin ng panitikan ay iparating sa
mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Makikita
sa kwentong ito kaagad sa pamagat pa lamang kung ano ang nais na iparating ng
may akda base sa pamagat malalaman kaagad natin na ang kwento at patungkol sa
mga damit na kung saan isang bata nagkunwari siyang mayroon siyang isang daang
damit upang malampasan ang mga problemang kaniyang kinahaharap.
Teoryang Klasisimo/Klasismo
"Ang Tondo ay May Langit
Din"
Ni: Andres Cruz
Natutunan:
* Ang istilo sa buhay ay
hindi hadlang sa pagmamahal ng isa't-isa.
* Malimit natin sabihin na
ang mga mayaman ay para sa mayaman at mahirap para lamang sa mahirap, ngunit sa
kabila ng mga paniniwalang yan, di natin maiiwasan na ang dalawang taong tunay
na nagmamahalan ay hindi alintana ang kanilang mga estado sa isa’t-isa.
Mahalagang malaman na ang pagmamahal ay siyang higit na mahalaga kung ihambing
sa kung anong laking yaman sa daigdig. Masasabi kong hindi masamang magmahal,
basta alam mong wala kang sinasaktang iba dahil sa pagmamahal na iyon.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Napukaw ng aking pansin ang
pag-iibigan nila Victor,Alma at Flor. Naipakita nila sa mga mambabasa na mayaman
ka man o mahirap ano man ang estado mo sa buhay, saan ka mannakatira at anu pa
man ang prinsipyo mo kapag natutunan mong gamitin ang iyong puso
sa pagdedesisyon magiging tama ang lahat. Ang Tundo Man May Langit din ay
sinakay tayo sakuwento ng pagmamahalan ni Victor, Alma at Flor upang lubos
natin mabatid ang Langit nahinahanap ng lahat. Langit na magpapaligaya sa
kani-kanilang puso. Sa pag-iibigan nila Victor atAlma nabatid nila na ang
langit na iyon ay nakita nila sa isa’t isa ito ay nahanap din nila
sakatahimikan na nakamit nila mula ng ginamit nila ang kanilang puso at
pagrebelde sa malingGawain ng lipunan na kani-kanilang kinabibilanggan. Pinaniniwalaan
sa teoryang klasismo na kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang
pisikal nabagay at espiritu ay dapat isabuhay at dakilain. Kung ating
ikukumpara ang ugali ng magkapatid na Lukas at Victor, makikita natin ang
pagsasagawa ng teoryang ito. Kinakampanya ni Lukas ang kandidatong si
Paking.Kahit na hindi ganoong kaganda ang imahe ng politikong ito, ay pinili
parin ni Lukas na ikampanya ito dahilsa malaking bayad na inihandog ng politiko
sa kanya. Si Lukas ay nakabatay sa pera kumpara kay Victor na saprinsipyo
nakabatay ang pagboto sa tamang opisyal.
Teoryang Queer
"Girl, Boy, Bakal,
Tomboy"
Ni: Noel Lapuz
Natutunan:
* Ang diskriminasyon sa
bawat kasarian ng tao ay hindi dapat gawin dahil dapat natin respetuhin kung
ano mang kasarian ang mayroon sila dahil tao lang tayong lahat at isa lang ang
may gawa sa atin at ang tanging ang Diyos lamang;
* At ang pamimintang sa mga
taong kabilang sa LGBT ay parang walang pinag-aral at hindi esukado.
Reaction sa Kwento at Teorya:
As expected nakakatawa yung
movie with Vice Ganda punchlines. Hindi ko rin inaasahan na mayroong magandang
istorya ang palabas na ito.Patok pa rin ito hanggang ngayon, pati na rin si
Vice Ganda. Pero ang tanong hanggang kailan? Bigyan din natin ng “A” si Vice
Ganda sa pagganap niya sa apat na role. Imagine ang hirap gawin nun. Naging
akma rin ang settings para sa palabas na ito. Nabigyang buhay din ng ibang
characters ang kanilang role. Nabigyan din ng pansin ang galing sa pag arte ni
Maricel Soriano sa kanyang pagganap bilang ina ni ni Vice. Nakakatuwa ang
galing ng pag ka edit sa pelikulang ito, nasa bagong henerasyon na nga tayo.
Ang mga characters ay nabigyan ng justice. Pumatok ito at pinilahan lang nama
ng libo libong tao. Ang mga taong kabilang sa ikatlong kasarian (homosexual) ay
kailangan tratuhin ng may respeto, pagmamahal at pantay na pagtingin ano man
ang kanilang estado sa buhay. Ang layunin ng panitikan na ito ay iangat at
pagpantayin sa paningin ng lipunan ang mga homosexual.
Teoryang Realismo
"Intoy Shokoy ng kalye
Marino"
Ni: Eros Atalia
Natutunan:
* Hindi hadlang ang Kahirapan upang gamiting rason
para kumapit sa patalim o upang mag binta ng sarili dahil may Ibang paraan
upang kumita at maiahon sa Kahirapan Ang sarili at pamilya.
* Ang
Kahirapan ay may solusyon kung ito'y pagsisikapan.
Reaction sa Kwento at Teorya:
Sa istoryang “Intoy Syokoy
ng Kalye Marino” ni Eros Atalia, naging malinaw naman ang paglalahad ng kwento
at naging maayos ang pagkakalarawan sa mga transisyon ng mga pangyayari.
Gumamit ang manunulat ng ilang salitang bernakular sa mga taong nabibilang sa
mababang uri ng lipunan. Ipinahayag niya ang mga karaniwang eksena sa Kalye
Marino, bilang isang lugar na pinaninirahan ng mga karaniwang taong may
iba’t-ibang persepsyon sa buhay, pag-uugali, pangarap at iba’t-ibang estilo at
pamamaraan para malampasan ang kalam ng sikmura. Naipakita sa akdang ito kung
paano nakakaapekto ang estado ng buhay sa nagiging karakter ng isang tao.
Katulad na lamang ng mga gawaing patuloy na ginagawa ng mga tauhan sa kwentong
ito na sa kung tutuusin ay normal na rin na gawain ng ating kapwa mamamayan na
hikahos sa buhay. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at
nasaksisan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay. Pinaghugutan mismo mula sa karanasan ng manunulat na si Eros
Atalia ang kwento dahil siya mismo ay nagmula sa Kalye Marino.Hinubog ng Kalye
Marino ang pagtingin ko sa buhay. Tinulungan siya ng Kalye Marino na makita ang
kagandahan ng buhay sa gitna ng karukhaan. Ito ay nabuo mula sa nakasalamuha
niyang ilang kagalang-galang na mga indibidwal. Na bagamat salat sa buhay, puno
ng kaalaman. May lalim.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento